Bumuo na ang Bureau of Customs o BOC ng isang anti-smuggling task force upang lalo pang mapaigting ang kampanya nito laban sa iligal na importasyon ng iba’t ibang mga produkto sa bansa.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, magsisilbing prosecution arm ng ahensya ang grupo sa hanay ng anti-smuggling activities.
Sinasabing ito rin ang makikipag-ungayan sa mga law enforcement units katulad ng intelligence group at enforcement and security service o ESS para masugpo ang talamak na smuggling.
Magiging investigative arm naman ng BOC ang batas o ang tinatawag na Bureau Action Team Against Smugglers sa lahat ng mga kasong may kaugnayan pa rin sa smuggling na saklaw ng ahensya.
Tiniyak naman ni Lapeña na hindi magkakaroon ng conflict ang mga nabanggit na dibisyon sa pagganap sa kanilang tungkulin.
—-