Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang anti-tambay campaign o oplan disiplina ng Duterte Administration.
Ayon kay Robredo, “anti-poor” ang nasabing operasyon at nagdulot ng kalituhan ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tila binibigyan na anya ng pangulo ng lisensya na umabuso ang mga law enforcement agency.
Iginiit ng pangalawang pangulo na nakita naman na ng publiko ang peligrong hatid ng mga hindi otorisadong law enforcement operations noong kasagsagan ng anti-drug war at tila nauulit lamang ito ngayon.