Pinayuhan ni Senador Panfilo Lacson ang mga bumabatikos sa panukalang Anti-Terrorism Bill na basahin muna ito.
Binigyang diin ni Lacson na walang dapat ipangamba ang mga human rights advocate at militante sa pinalakas na Anti-Terror Bill dahil naglagay sila rito ng sapat na safeguards laban sa pag abuso at paglabag sa mga karapatang pantao.
Tiniyak ni Lacson, pangunahing may akda ng nasabing panukala ..na naaayon sa international standards at pagpapahalaga sa karapatang pantao ang mga probisyon sa naturang Anti-Terror Bill.
Sa ilalim ng Anti-Terror Bill pinalalakas ang kapangyarihan ng pamahalaan laban sa terorismo at pinabigat ang parusa sa mapapatunayang gumawa, nag udyok at nagbantang maghahasik ng terorismo. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)