Walang dapat ikabahala ang publiko partikular na ang mga kritiko hinggil sa isinusulong na Anti-terrorism bill na una nang sinertipikahang urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na malinaw na nakasaad sa nasabing panukala ang mga kaparusahan sa mga law enforcer na aabuso sa batas.
Sapat din aniya ang mga inilagay nilang probisyon sa naturang panukala na nagsusulong ng karapatang pantao.
Bilang dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief hinimok ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga mambabatas na ipasa ang naturang panukala na hindi lamang napapanahon kundi malaki ang maitutulong para masugpo ang problema ng terorismo na siya namang hinaharap ng buong mundo. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)