Tiniyak ng Senado na hindi na kakailanganin pang magdeklara ng batas militar ng pamahalaan sa sandaling masabatas na ang Anti-Terrorism Bill.
Ayon kay Senate President Vicente Tito Sotto III sa gitna ng pagkondena ng iba’t ibang grupo sa pagpasa ng nasabing panukalang batas sa Kongreso.
Sa panayam ng DWIZ kay Sotto, hindi lubusang nauunawaan ng publiko ang nilalaman ng nasabing panukala kaya’t mahalaga na pag-aralan muna nilang maigi ito bago magpahayag ng saloobin hinggil dito.
Iginiit pa ni Sotto na sumusunod sa global standards ng United Nations Security Council ang binalangkas nilang batas kontra terrorismo.