Kumbinsido si Presidential spokesman Harry Roque na lalagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terorism Bill.
Ginawa ni Roque ang pahayag sa harap ng mainit na pagtutol ng maraming sektor dito.
Ayon kay Roque, sa ngayon ay nagsasagawa ng aniya’y final look ang pangulo sa Anti-Terror Bill.
Nirerepaso rin ito ng Office of the Executive Secretary at ng Department of Justice.
Sakaling hindi lagdaan o hindi i-veto ng pangulo ang Anti-Terror Bill, kusa itong magiging batas matapos ang 30 araw mula nang matanggap ng pangulo.