Tiniyak ni human rights lawyer Atty. Chel Diokno na kanyang kukuwestiyunin sa Korte Suprema ang constitutionality ng nilagdaang Anti-Terror Law ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Diokno, hindi sagot sa paglaban sa terorismo sa Pilipinas ang pagbuo ng bagong batas ng pamahalaan.
Sa halip aniya ay dapat pinagtunan ng pamahalaan ang pagsasaayos at pagpapabuti sa sistema ng hustisiya sa bansa.
Samantala, ibinabala naman ng Human Rights Watch (HRW) ang posibilidad ng paglala sa sitwasyon ng mga paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas dahil sa Anti-Terror Law.
Sinabi ni HRW Deputy Asia Director Phil Robertson, nailugmok ni Pangulong Duterte sa pinaka-ilaliman ang demokrasya ng Pilipinas sa ginawa nitong paglagda sa Anti-Terror bill bilang isang ganap na batas.