Nakatakdang magpulong ang National Security Council at Anti-Terrorism Council para talakayin at pag-aralan ang bagong lagdang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na Anti-Terrorism Act.
Ayon kay National Security adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., inaasahang makatatanggap na sila ng kopya bagong batas ngayong araw o bukas, Hunyo 5.
Sinabi ni Esperon, kanya nang nakausap si Executive Secretary Salvador Medialdea kaugnay ng pagsasagawa ng review ng dalawang council sa Anti-Terrorism Law.
Ito naman aniya ay upang magkaroon sila ng iisang pag-unawa o pagkakaintindi sa nabanggit na batas.
Dagdag ni Esperson, magkasama ring gagawa rin implementing rules and regulation (IRR) ang dalawang council para sa Anti-Terror Law na kanilang isusumite sa Kongreso na bubuo naman ng joint versight committee.
Iginiit naman ni Esperon na kinakailangan na ang isang batas na tulad ng Anti-Terrorism Law lalu na’t ilang beses na ring nakaranas ng pambobomba ang bansa na ikinasawi ng mga maraming tao.