Lusot na sa Senado ang anti-terrorism act of 2020 na ipapalit sa human security act of 2007.
Sa botong 19-2, pumabor sa senate bill no. 1083 na inakda ni Senador Panfilo Lacson na may layong magbigay ng ngipin sa batas kontra terorismo.
Ayon kay Lacson, sa oras na maging batas, mas magiging matatag ang criminal justice kontra terorismo.
Sa ilalim nito, mabibigyan din umano ng dagdag na kapangyarihan ang mga otoridad para lubos na protektahan ang mamamayan.