Nanawagan ng suporta sa publiko ang mga local officials sa mga probinsya para sa agarang pagpasa ng anti-terrorism bill.
Ang pahayag ay ginawa ni Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang matapos malaman na pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang upang maging ganap na batas ang nasabing panukala.
Bukod aniya sa mapapalakas ang kampanya laban sa terorismo, makatutulong din ito upang matamo ang kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Samantala, nagpahayag din ng suporta sa anti-terrorism bill sina Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, San Mateo, Isabela Mayor Gregorio Alipio Pua, Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona, at iba pang lokal na opisyal sa mga lalawigan.