Pinangalanan ng Anti-Terrorism Council (ATC) bilang terorista ang 16 na underground organisasyon na na-link komunistang grupo.
Ayon kay ATC Vice Chairperson Hermogenes Esperon, parte ang mga nasabing grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA) at National Democratic Front (NDF) na unang idineklarang terorista noong December 2020 at July 2021.
Sa ilalim ng ATC Resolution 28 na inaprubahan nitong Enero 26, kinabibilangan ang 16 ng;
- Revolutionary Council of Trade Unions
- Katipunan ang mga Samahang Manggagawa or Federation of Labor Organizations
- Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid or National Association of Peasants
- Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan or Patriotic Movement of New Women
- Kabataang Makabayan or Patriotic Youth
- Katipunan ng Gurong Makabayan or Association of Patriotic Teachers
- Makabayang Samahang Pangkalusugan or Patriotic Health Association
- Liga ng Agham para sa Bayan or League of Scientists for the People
- Lupon ng mga Manananggol para sa Bayan or committee of Lawyers for the People
- Artista at Manunulat ng Sambayanan or Artists and Writers for the People
- Makabayang kawaning pilipino or patriotic government employees
- Revolutionary organization of overseas filipinos and their families
- Christians for National Liberation
- Cordillera People’s Democratic Front
- Moro Resistance Liberation Organization, at
- Revolutionary Organization of Lumads. —sa panulat ni Abby Malanday