Kumpiyansa ang Western Mindanao Command (WesMinCom) ng Armed Force of the Philippines (AFP) na malaki ang maitutulong ng Anti-Terrorism Act of 2020 sa kanilang laban kontra terorismo.
Ayon kay WesMinCom Commander Lt. General Cirilito Sobejana, lubos nilang ikinalugod ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anti-terror law.
Tiwala si Sobejana na sa tulong ng bagong batas mababawasan na ang mga magiging tiga-suporta, symphatizers o sasali sa mga teroristang grupo.
Kasabay nito, nananawagan si Sobejana sa lahat na suportahan ang layunin ng militar at pamahalaan na ganap ng masugpo ang terorismo sa bansa.
Binigyang diin ng heneral, hindi lamang aniya paamahalaan o militar ang naaapektuhan sa mga gawain ng terorista kundi higit ang mga simpleng sibilyan.