Nag-protesta ang libu-libong Amerikano mula sa iba’t ibang bahagi ng Amerika matapos mahalal ang business mogul na si Donald Trump bilang ika-45 Pangulo ng Amerika.
Sa New York, dinagsa ng demonstrador ang mga lansangan sa Midtown Manhattan habang patungo sila sa Trump Tower samantalang ang iba ay nagtipun-tipon sa Manhattan Park at isinisigaw ang mga katagang “Not my President”.
Sa downtown Chicago, halos 2,000 katao ang nagtipon sa labas ng Trump International Hotel and Tower at paulit-ulit na isinisigaw ang “No Trump! No KKK ..no racist US”
Daan-daang Amerikano rin ang nagtipon sa Philadelphia, Boston, Seattle at Portland habang pinaplano ng mga mga organizer ang mga pagkilos sa San Francisco, Los Angeles at Oakland, California.
Ayon sa mga awtoridad, sa Austin, Texas tinatayang 400 katao ang nagmartsa sa mga lansangan bilang protesta sa pagkakahalal kay Trump.
Wala namang sagot o komento ang sinumang kinatawan mula sa kampo ni Trump sa mga naturang pagkilos.
By Judith Larino
Photo Credit: CNN