Inilunsad ng Commission on Elections O COMELEC ang anti-vote buying task force.
Layon nitong mabantayan at mapanagot ang mga lumalabag sa election code.
Target nito ang mga kaso ng vote buying na maaari umanong maganap sa Mayo 13 na sinasabing kinasasangkutan ng mga kandidato at kanilang mga suppporter.
Haharap naman sa parusang diskwalipikasyon sa pagtakbo, pagboto o pagkakakulong mula isa hanggang anim na taon ang sino mang mapapatunayang lumabag.
Si Comelec Commissioner Al Parreño ang magsisilbing pinuno ng task force habang vice chairman naman si Commissioner Antonio Kho.