Lumabas sa pag-aaral ng Stanford at Emory Universities sa U.S na nawawala na ang antibodies ng karamihan ng mga naturukan ng second dose ng covid vaccine na Pfizer matapos ang anim o pitong buwan.
Dahil dito, may posibilidad umano na makalusot sa katawan ang mga bagong variants ng Covid-19.
Sinuri ng mga researcher ang blood samples mula sa 46 na malulusog na young o middle-aged adults matapos ang 2nd dose ng Pfizer at kumuha ulit anim na buwan matapos ang ikalawang bakuna.
Nasa kalahati ng mga isinalang sa pagsusuri ay hindi na nadetect ang antibodies na panlaban sana sa COVID variants gaya ng Delta, Beta at MU.
Ito anila ang dahilan kaya’t lumalaki ang tsansa na kailangan talaga ng booster shot para rito. — sa panulat ni Drew Nacino