Inaasahang magagamit na ngayong buwan sa Amerika ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) antibody test.
Ayon kay Dr. Deborah Birx, coronavirus response coordinator ng White House, ang ELISA o Enzyme Linked Immunosorbent Assay ay kayang i-detect o sukatin ang anti-bodies sa dugo ng isang tao.
Sakaling maging matagumpay, sinabi ni Birx na ang nasabing test ay makakatulong para malaman kung mayruon pa ring natitirang virus sa katawan ng pasyenteng tinamaan na ng sakit subalit kalaunan ay gumaling din.
Ayon sa experts, kung ang isang pasyente ay tinamaan na ng virus at nakapag develop na ang katawan nito ng anti-bodies, magiging maliit ang tsansa na magkaruon muli ito ng parehong sakit.
Inihayag ni Birx na sa pamamagitan din ng ELISA testing ay kaagad malalaman ang mga frontline medical workers na positibo sa COVID-19.