Unti-unting isasama sa COVID-19 cases daily tally ng Department Of Health ang positive antigen test results simula ngayong linggo.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isasama lamang ang antigen test results sa official tally, matapos maisailalim ang mga ito sa validation.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DOH sa iba pang mga ahensiya gaya ng Metro Manila Development Authority at National Task Force against COVID-19 para sa pagbuo ng registration at reporting system para sa antigen test.
Habang ang mga resulta ay manggagaling naman sa mga clinics o local government units.
Magkakaroon din ang DOH ng qualifier kung ilang RT-PCR at ilang antigen test ang irereport sa publiko.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico