Ilang araw bago ang pag-arangkada ng Philippine Basketball Association (PBA) Governor’s Cup, idinagdag ng PBA ang pagsasagawa ng antigen test bilang requirement sa mga manlalaro bago mag-ensayo.
Inihayag ni PBA Commissioner Willie Marcial na pangunahing prayoridad pa rin ang kalusugan sa pagpapatupad ng mas mahigpit na safety measures upang tuluyang malabanan ang COVID-19 sa pagpapatuloy ng huling conference ng liga.
Isinasagawa na rin ng commissioner’s office ang rescheduling ng mga laro sa pagbabalik liga simula sa Pebrero a–11 sa Smart Araneta Coliseum.