Hindi na kakailanganin pang magpa-antigen test ang mga Pilipinong gustong bumyahe palabas ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito’y makaraang i-lift ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kautusan na kumuha muna ng antigen test bago makaalis ng bansa.
Pero paliwanag ni Roque, kakailanganin pa ring magpresent ng roundtrip ticket, health at travel insurance, maging ang declaration form ng biyahero na nagsasaad na batid nito ang panganib sa pagbyahe sa ibang bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inaprubahan din po ng inyong IATF ang pagtanggal o pagbawi sa pre-boarding testing requirement ng outbound Filipino travelers na unang naratify sa IATF resolution number 79, na nag-rerequire ng negative antigen test result —24-oras bago lumipad bilang pre-boarding requirement,” ani Roque.