Pursigido ang lokal na pamahalaan ng Baguio City na isagawa ang Antigen Test sa mga turistang papasok sa lungsod.
Ito’y ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo – puyat matapos langawin ang unang araw ng pagbubukas ng Baguio City sa mga lokal na turista.
Sa panayam ng DWIZ kay Sec. Puyat, mas mabilis kasi ang proseso sa antigen testing na mas paborable para sa mga turistang papasok sa lungsod.
Dagdag pa ni Puyat, sa ngayon kasi ay kinakailangang sumailalim sa RT-PCR testing at quarantine ang mga nagnanais na pumasok sa Baguio City .
Gayunman, mahigpit namang nagbabantay ang Tourism Department sa nagiging paglabag ng mga business establishment sa mga lugar na binuksan na sa turismo.