Pumanaw na si Antipolo City Rep. Resurreccion Acop matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa edad na 73.
Ito ang kinumpirma ng mister ng mambabatas na si dating congressman Romeo Acop.
Sinabi naman ni Majority Leader Martin Romualdez na nagluluksa ngayon ang buong Kongreso sa pagyao ni Acop na inilarawan nitong mabait at masipag na lingkod bayan.