Naglaan na ang lokal na pamahalaan ng Antipolo ng pondo para makakuha ng bakuna kontra sa COVID-19.
Ito ay inihayag ni dating Antipolo City Mayor Jun Ynares at ngayo’y tagapagsalita ng lungsod, ukol sa pagbili ng COVID-19 vaccine.
Naglaan po ang Antipolo LGU ng pondo para sa COVID-19 vaccine,” ani Ynares.
Dagdag pa ni Ynares, nakikipag-ugnayan na ang lungsod sa AstraZeneca para makakukha ng bakuna.
Ayon pa kay Ynares, dapat aprubahan na ng gobyerno ang bakuna mula sa AstraZeneca dahil pinapayagan na itong gamitin sa United Kingdom (UK).
Hindi namin maintindihan kasi aprubado na sa UK ang AstraZeneca vaccine, bakit dito sa bansa hindi pa rin?,” ani Ynares.
Samantala, tiwala si Ynares, kapag maaprubahan ang AstraZeneca COVID-19 vaccine kakayanin ng lungsod na mababakunahan ang lahat ng mga residente nito.
Kapag AstraZeneca ang kukunin lahat ng Antipolenos mababakunahan,” ani Ynares —sa panayam ng Teka Teka
sa panulat ni John Jude Alabado