Naglaan ng P300-milyong pondo ang lokal na pamahalaan ng Antipolo para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 na libreng ipamamahagi sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Antipolo City Mayor Andrea Ynares, inilalatag na nila ang guidelines sa kanilang vaccination program katuwang ang National Task Force against COVID-19 at ng Department of Health.
Ayon kay Ynares, voluntary ang pagpapabakuna laban sa virus dahil batid aniya nito ang pangamba ng ilang residente na magpabakuna dahil sa kontrobersiyang idinulot ng Dengvaxia vaccine.
Samantala, target naman aniya nilang magpalabas ng bakuna sa ikatlo o huling bahagi ng taong ito.