“Bayaran kayo”
Ito ang bwelta ni Environment Undersecretary Benny Antiporda sa mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).
Ito’y matapos sabihin ng UP Institute of Biology na handa nilang tulungan ang Department of Environment sa paglalatag ng isang “science-based rehabilitation program” para sa Manila Bay kung saan maganda umano kung tinaniman na lamang ito ng mga mangrove.
Ayon kay Antiporda walang karapatan ang mga eksperto mula sa up na batikusin ang dolomite white sand na inilagay sa isang bahagi ng Manila Bay.
Giit nito hindi rin magandang tingnan ang mangrove at hindi rin ito umano ito mabubuhay sa naturang lugar.
Dagdag pa ni Antiporda, nagbabayad ang ahensya ng nasa P500-M sa mga UP experts simula pa noong 2016 para sa konsultasyon ngunit sa pagkakaalam niya umano, dapat ay libre ito.
Aniya hindi sila dapat naniningil dahil pinag-aral sila ng taongbayan at ngayon na gumagawa umano ang ahensya ng maganda ay kailangan pa nitong magbayad sa naturang mga eksperto.
Giit ni Antiporda, walang karapatan ang mga UP expert na batikusin ang mga proyekto ng ahensya dahil sila ay bayaran lang.