Muling humirit ang pamahalaang panlalawigan ng Antique sa Department of Transportation-Land Transportation Office (DOTr-LTO) na payagan ang mga motorcycle back riders habang nasa ilalim sila ng modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon kay Antique Governor Rhodora Cadiao, nahihirapan ang mga residente sa kanilang lalawigan lalo na ang mga nasa liblib na lugar dahil bawal pa ring bumiyahe ang mga magka-angkas sa motorsiklo.
Batay sa tala, mayroong halos 12,000 registered motorcycle units sa Antique.