Nakatakda nang magretiro si dating World Boxing Champion Antonio Margarito sakaling matalo ito sa laban niya kay Jorge Paez Junior.
Gaganapin ang laban nina Margarito at Paez sa March 5 sa Mexico.
Huling lumaban ang 38 anyos na si Margarito noong 2011 kung saan natalo siya sa ika-10 round kay Miguel Cotto.
Hindi gaanong naging maganda ang boxing career ni Margarito dahil sa pagkakasangkot nito sa hand-wrap scandal noong 2009.
By: Avee Devierte