Mariing tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tila paninisi kay Senator Leila de Lima sa usapin ng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Sinabi ni Drilon sa panayam sa DWIZ, malinaw na binigyan lamang ng pakahulugan o linaw ni De Lima ang isang batas na iniakda ng Kongreso na may kalabuan.
Tungkulin na aniya ng ehekutibo na i-reconcile o pagtugmain ang probisyon sa mga batas na ipinasa ng Kongreso.
Dagdag ni Drilon, kanyang ikinalulungkot na tila pinupuntirya si De lima sa sinasabing pagkakamali sa ginawa nitong Implementing Rules and Regulation (IRR) para sa GCTA law.
Gayung dapat isisi sa hindi maayos na pagpapatakbo ng BuCor ang maagang pagpapalaya sa halos 2,000 mga convict sa ilalim ng GCTA.
Ang law(GCTA), up to this point, maraming debate kung ano ang ibig sabihin ng section 1 to section 3, at ang ginawa ni Sen. De Lima was to interpret… Ang nakakalungkot lang, mukang ito ang pinupuntirya na pagkakamali… Ang nangyayari po sa BuCor ngayon ay hindi dahil sa pagkakamali ni Sen. De Lima… yan po ay dahilan sa hindi maayos na pagpapatakbo ng mga BuCor officials,” — Sen. Franklin Drilon