Inatasan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang lahat ng labor officers na mag-report ng anumang pang-aabuso sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa loob ng bente kwatro (24) oras.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay upang mas mapaigting pa ang pagbibigay proteksyon sa mga manggagawang Pinoy.
Samantala, inatasan naman ni Bello ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na magtayo ng command center na natatanggap ng sumbong.
Bukod dito target din na mapalakas ang one stop shop ang ahensya para matugunan ang pangangailangan ng mga OFW na nawalan ng trabaho.
—-