Wala paring pinapayagan na anumang uri ng sports sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Paglilinaw ni IATF at Presidential Spokesperson Harry Roque na kahit ibinaba na sa GCQ ang ilang lugar sa bansa ay mahigpit paring ipinagbabawal ang mga sports at mga non-contact sports o iyong mga hindi naman daw nagdidikit-dikit ang mga manlalaro tulad ng swimming, tennis at golf.
Pahayag ni Roque, wala sa binuong GCQ provision ang pagbibigay pahintulot sa mga nabanggit na sports competition lalo na’t isang barkadahan system ang tennis.
Maging ang mga fitness gym aniya ay hindi parin maaring magbukas sa ilalim ng GCQ para matiyak na hindi kakalat ang virus sa mga ganitong pasilidad.
Matatandaan na sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na patuloy parin ang isinasagawa nilang pag-aaral hinggil sa kung maari nang pahintulutan ang mga non-contact sports sa mga lugar na nasa ilalim na ng GCQ.