Sinampahan nila Senador Alan Peter Cayetano at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jimenez ng isang joint administrative complaint sa Ombudsman sila Transportation Secretary Jun Abaya, Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado, Office for Transportation Security Administrator Roland Recomono at Philippine National Police Aviation Security Group Director Chief Superintendent Pablo Francisco Balagtas.
Ang reklamo ay kaugnay ng tanim-bala scheme sa NAIA at pagpapabaya umano sa tungkulin ng mga opisyal sa ilalim ng executive order 226 o Doctrine of Command Responsibility in all Government Offices and Agencies.
Hiniling din nina Cayetano sa Ombudsman na suspindihin sa tungkulin sina Abaya, Honrado, Recomono at Balagtas habang iniimbestigahan ang kanilang reklamo laban sa mga ito.
“Sinasabi natin dito sa section 1 neglect of duty under the doctrine of command responsibility, kumbaga sa ano any government official or supervisor ay puwedeng to be hold accountable kapag hindi nila naayos ang kanilang trabaho.” Pahayag ni Jimenez.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas