Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang task force na siyang tututok sa mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar makaraang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Administrative Order na lumilikha sa Presidential Task Force on Media Killings.
Itinalagang Chairman ng nasabing task force si Justice Secretary Vitaliano Aguirre habang magsisilbi namang co-chair si Andanar.
Oktubre 11 pa nilagdaan ang nasabing AO ngunit hindi naman nilinaw ni Andanar kung saklaw nito ang mga online harassment sa mga kagawad ng media.
By Jaymark Dagala / Aileen Taliping (Patrol 23)