Sa mindanao kailangan ang “railroad” at hindi sa kongreso.
Ito ang reaksiyon ni Senate Majority Floorleader Alan Peter Cayetano sa mga reklamo na na-railroad o minadali ang Bangsamoro Basic Law (BBL) kaya’t mabilis itong nakalusot sa Ad Hoc Committee.
Kumpiyansa naman si Cayetano na hindi ito mangyayari sa senado dahil nangako ang mga pabor at kontra dito na hindi nila ire-railroad ang naturang panukalang batas.
By Jelbert Perdez | Celu Bueno (Patrol 19)