Natupok ng apoy ang mga hilera ng apartment sa Cainta, Rizal.
Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nag-umpisa ang sunog sa kusina dahil sa napabayaang gasul ng isang apartment unit sa Barangay San Andres.
Dahil dito, iniakyat sa ikalawang alarma ang sunog dakong alas-kwatro y medya ng madaling araw kanina at naapula dakong alas-singko ng umaga
Sinabi naman ng may-ari ng nasunog na apartment na si Benedict Cruz na posibleng umabot sa dalawang daang libong piso ang gagastusin para mapaayos muli ang mga nasunog na bahay. —sa panulat ni Airiam Sancho