Maniniwala ka ba na maaari kang magkaroon ng tirahan kahit na wala pang P100 ang ilalabas mong pera?
Posible yan sa isang village sa Germany.
Kung bakit ganun kamura ang renta, alamin!
Bukod sa tubig at kuryente, renta ang isa sa pinakamalaking binabayaran ng mga tao kada buwan.
Pero hindi yan problema sa isang village sa Augsburg, Germany dahil halos wala nang binabayaran ang mga tenants na nakatira rito. Sa halagang .88 Euros o 54.85 sa Philippine Peso, secured na ang isang taong renta mo.
Ito ay ang housing project sa Germany na tinatawag na Fuggerei at 500-taon nang nagbibigay pabahay sa mga mahihirap na residente.
Sinimulan ito ng myembro ng isang mayamang pamilya na may copper business na si Jakob Fugger.
Ang Fuggerei ay mayroong 140 apartments at may halos 150 tenants.
Isa sa mga ito ang 29-year-old na si Noel Guobadia na inakalang hindi sila tatanggapin ng kanyang pamilya sa Fuggerei noon dahil sila ay migrants.
Habang ang 73-year-old cash register naman ng Fuggerei na si Ilona Barber na nangongolekta ng fee mula sa mga turista na bumibisita sa rito ay nakatira rin sa nasabing village kasama ang kanyang mga alagang hayop.
Gayunpaman, hindi raw basta-basta na nakakakuha ng apartment dito at mayroong guidelines na sinusunod sa loob ng 500-taon.
Isa sa requirements ay dapat katoliko ang aplikante at kinakailangang magdasal ng tatlong beses sa isang araw. Ang rason nito ay ang paniniwala ni Jakob na agad siyang mapupunta sa langit dahil maraming tao ang nagdadasal para sa kanya.
Kaugnay nito, sinisiguro naman ng isa sa kanilang social workers na si Doris sa Parish office kung ang mga aplikante ay Katoliko.
Bukod diyan, inaasahan din na tumulong sila sa paghahardin at pagtatrabaho bilang night guard, at pagsapit naman ng alas diyes ng gabi ay isinasarado na ang kanilang gate kung kaya naman kinakailangang magbayad sa night guard ng .50 Euros o 31 Pesos ang sinumang lalagpas sa curfew.
Nasa pangangalaga pa rin ng mga Fugger ang Fuggerei at nagkaroon na rin ng mas madaming apartments at mayroon na ring museum at gift shop.