4 ang patay habang anim ang sugatan sa pagsabog ng car bomb at mortar shelling sa lungsod ng Afrin, Syria.
Naganap ang pag-atake sa boundary ng Karkamis, Turkey na balwarte ng mga Kurdish Separatist Rebel.
Ayon sa Syrian Interior Ministry, nagmula ang mga mortar sa mga rebeldeng grupong suportado ng Turkey.
Naniniwala ang ahensya na ang nasabing insidente ay ganti ng Turkey matapos bumagsak ang isang missile sa Tal Rifat na malapit sa Syrian border, na ikinasawi naman ng dalawang katao noong lInggo.—sa panulat ni Drew Nacino