Apat hanggang limang bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa sa huling bahagi ng taon.
Habang hindi rin isinasantabi ng PAGASA ang posibilidad na maging kasinglakas o higit pa ng bagyong Ompong ang papasok na bagyo sa Pilipinas sa pagitan ng buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre.
Ayon kay PAGASA Weather Division Chief Esperanza Cayanan, sa naranasan ng bansa sa mga nakaraang taon, mas malalakas na bagyo ang tumatama sa Pilipinas sa last quarter.
Sinabi naman ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Officer in Charge Ana Liza Solis, karaniwang tumatama sa bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang mga bagyong pumapasok sa bansa mula Oktubre hanggang Disyembre.
—-