Binaha ang apat na bayan sa Camarines Sur matapos ang walang humpay na pag ulan dahil sa bagyong Urduja.
Kabilang sa mga binahang lugar ayon kay Che Bermeo, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Camaries Sur ang mga bayan ng Garchitorena, Goa, Batalan at Libmanan.
Sinabi ni Bermeo na nasa 128 pamilya ang inilikas muna dahil sa posibilidad ng landslide lalo na sa bayan ng Garchitorena.
Tiniyak naman ni Bermeo ang regular monitoring ng mga Municipal Disaster Risk and Reduction and Management Office sa iba’t ibang bayan para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Ipinaalala rin ng mga opisyal sa mga residenteng nakatira sa mga coastal area, paanan ng bundok at gilid ng ilog na maging alerto at handa sa lahat ng oras para maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari kaugnay sa banta ng bagyo.