Arestado ang apat na carjackers na nambibiktima ng mga drayber ng mga Transport Network Vehicle Services o TNVS tulad ng Uber at Grab.
Kinilala ang mga suspek na sina Wilfredo Alejandro, Jhon Lester Crispe, Russel Jimenez at Arvin Alejandro.
Ayon sa Manila Police District o MPD kanilang naaresto ang apat sa isang operasyon sa Abad Santos Street sa Tondo noong Sabado.
Hindi naman itinanggi ng tatlo sa apat na suspek ang krimen at inaming dinadala nila ang mga ninakaw nilang mga sasakyan sa isang alyas Sultan sa Cavite kapalit ng pera at droga.
Nagkasa naman ng follow up operations ang MPD para tugisin ang iba pang kasabwat ng mga suspek.
—-