Pinatawan ng isang taong suspensyon ng Office of the Ombudsman ang apat na Commissioner ng ERC o Energy Regulatory Commission.
Ito’y makaraang upuan lamang ng mga ito ang dapat sana’y pagpapalabas ng rules para sa competitive bidding sa pagbili ng kuryente ng MERALCO o Manila Electric Company.
Kabilang sa mga sinuspinde ng Ombudsman sina ERC Commissioners Gloria Victoria Taruc, Alfredo Non, Josefina Asirit at Geronimo Sta. Ana.
Napatunayan ng Ombudsman na guilty ang naturang mga Commissioners sa kasong administratibo na Conduct of prejudicial to the best interest of the service.
Maliban sa apat, guilty rin sa kaparehong kaso si dating ERC Chairman Jose Vicente Salazar na una nang tinanggal ng Malakaniyang nuong Oktubre kaya’t pinagmumulta na lamang ito ng katumbas sa anim na buwang suweldo bilang natanggal na siya sa serbisyo sa pamahalaan.