Nilatag na ng Department of Foreign Affairs ang pakay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita sa South Korea sa kauna-unahang pagkakataon sa darating na Hunyo a-tres hanggang a-singko.
Ayon kay DFA Undersecretary Ernesto Abella, pangunahing layon ng biyahe ay palakasin ang relasyon ng dalawang bansa na nasa 70 taong gulang na sa susunod na taon.
Kabilang dito ay may kinalaman sa diplomatic relations at social, agriculture at environmental cooperation.
Inaasahan din na apat na kasunduan ang malalagdaan sa pagbisita ng Pangulo na naka-sentro sa aspeto ng transportasyon, trade and industry, science at loan agreement.
Ikinakasa na rin aniya ang pakikipag-pulong ng Pangulong Duterte sa Filipino communities sa South Korea kung saan naninirahan at nagta-trabaho ang nasa 68,000 Pilipino.
There will also be reference to social cooperation, or the protection of nationals of both countries with about 1.6 million Korean tourists to the Philippines and 450,000 Filipino tourists to Korea in 2017 aside from the expatriates in each country. Also to be noted will be the agricultural cooperation, market access for Philippine exports especially okra, avocado and tropical fruits. Lastly, it will touch on environmental cooperation, there are plans to cooperate in environment protection for both bilateral and multilateral aspects. Pahayag ni Abella