Sugatan ang apat na katao habang nagkalat naman sa highway ng Tagkawayan, Quezon ang mga bote at lalagyan ng beer nang maaksidente ang truck na kinalalagyan ng naturang inumin.
Ayon sa tagkawayan Municipal Police Station, patungo sa Bicol ang trailer truck habang tinatahak naman ng mga inararong sasakyan ang direksyon pa-maynila.
Mabilis ang takbo ng trailer truck kaya tumagilid ito sa highway matapos iwasan ang iba pang kasalubong na mga sasakyan.
Sa pagtagilid ng truck, nagkalat sa highway ang serbesa.
Nasugatan ang rider ng dalawang motorsiklo, driver ng delivery van at ng truck.
Ito na ang ika-limang aksidente na naganap sa quirino highway sa loob lamang ng isang linggo kung saan lima na ang nasasawi. —sa panulat ni Mara Valle