Inaresto ng National Bureau of Investigation – Central Visayas ang apat na kataong nagbebenta ng hindi rehistradong COVID-19 rapid antigen test kits
Nakuha sa kanila ang isang milyong halaga ng pekeng COVID-19 test.
Ayon kay NBI Cebu District Office Agent-In-Charge Arnel Pura, nagsagawa sila ng magkahiwalay na operasyon sa Cebu at Mandaue kung saan naaresto ang mga indibidwal.
Nagkakahalaga ng 5K kada box ang kanilang ibinebenta na walang approval mula sa Food And Drug Administration (FDA). —sa panulat ni Abby Malanday