Pinag-iingat pa rin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko sa pagkain ng shellfish na mahahango sa mga baybaying positibo pa rin sa red tide toxin sa bansa.
Ayon sa BFAR, kabilang sa mga lugar na positibo sa red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; baybayin ng Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; at karagatan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province.
Sinabi ng ahensiya na dahil sa paralytic shellfish poison sa ay hindi pa rin ligtas kainin ang mga shellfish na mahuhuli mula sa mga nasabing lugar.
Gayunman, ligtas pa rin anilang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimangong nahuli sa mga nabanggit na lugar. – sa panulat ni John Riz Calata