Bubuksan ng Philippine National Police Highway Patrol Group o PNP HPG ang apat na bagong mabuhay lanes bilang bahagi ng kanilang bagong traffic management plan para sa panahon ng kapaskuhan
Ayon kay PNP HPG Spokesman Supt. Elizabeth Velasquez, pagdudugtungin ng mga bubuksang mabuhay lanes ang North at South Luzon Expressway
Unang bubuksang ruta ay mula Balintawak na daraan sa Samson road patungong C-4 hanggang sa Roxas Boulevard
Ikalawang ruta mula Balintawak patungong A. Bonifacio diretso hanggang Dimasalang, Quezon boulevard patungong Lawton hanggang Roxas Blvd
Mula Balintawak hanggang Mayon street, Welcome Rotunda patungong Vicente Cruz hanggang sa bahagi ng Nagtahan, Osmeña highway hanggang sa makarating ng SLEX ang ikatlo
Habang mula Balintawak, daraan ng Araneta avenue patungong N.Domingo, daraan ng F. Manalo, Panaderos, Pedro Gil, Quirino avenue, Plaza Dilao hanggang Osmeña highway patungong SLEX naman ang ika-apat
By: Jaymark Dagala