Apat na mahahalagang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan nila Pangulong Rodrigo Duterte at South Korean President Moon Jae In matapos ang kanilang bilateral meeting kahapon.
Partiular na nakatuon ang nilagdaang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pilipinas at South Korea sa transportasyon, kalakalan, agham gayundin ang loan agreement.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang sa nilagdaang loan agreement ng bansa sa SoKor ang proyektong pagtatayo sa bagong Cebu International Container Port.
Nangako rin ng tulong ang South Korea para sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Marawi City gayundin ang paghihikayat dito na pumasok bilang third party player sa larangan naman ng telekomunikasyon.
—-