Apat na katao ang patay habang tatlo pang mga minero ang nawawala matapos bumaha at bahagyang bumagsak ang lupa sa Mexico.
Nangyari ang insidente matapos bumagsak ang dam na kinakapitan ng pond na naging sanhi ng pagbaha at pagguho.
Natagpuan naman ang mga labi ng biktima sa maliit na minahan sa Coahuila kung saan maraming nagrereklamo dahil hindi ligtas ang naturang minahan.
Ayon sa mga otoridad, pitong minero ang naiulat na nagtatrabaho ng mangyari ang aksidente sa naturang lugar.
Umaasa naman si Pangulong Andrés Manuel López Obrador na gagawin lahat ng mga rescuers ang paraan para makapagbigay ng balita sa pamilya ng mga biktima.