Lumakas pa ang puwersa ng National Unity Party (NUP) sa mababang kapulungan ng kongreso.
Umabot na sa 61 ang miyembro ng NUP sa Kamara matapos na lumipat sa kanila ang apat na miyembro ng ruling party na PDP-Laban na ngayon ay may 66 na miyembro na lamang sa Kamara.
Ang mga lumipat sa NUP ay sina Deputy Speakers Neptali Gonzales ll at Dan Fernandez, La Union second district Cong. Sandra Eriguel at Cagayan De Oro first district Cong. Rolando Uy.
Dahil dito, muling lumutang ang mga ispekulasyon sa impact ng lumalakas na puwersa ng NUP sa house speakership.
Itintuturing kasi ng NUP si Davao City first district representative Paolo Duterte bilang honorary member.