Apat na negosyante mula sa Maynila ang ipinagharap ng kasong tax evasion ng BIR o Bureau of Internal Revenue sa DOJ o Department of Justice
Kinilala ang mga nasabing negosyante na sina Maria Cheryl Lagat ng Sta. Cruz, Maynila dahil sa kabiguan nitong magbayad ng mahigit 16 Milyong Pisong buwis nuong 2010
Gayundin sina Eduardo Socuaje Jr ng Gold East Trading dahil sa kabiguan nitong magbayad ng buwis na nagkakahalaga ng halos 28 Milyong Piso; Felix Chung at Maribeth Lopez ng Hanwell Industrial Corporation dahil sa hindi nito pagbabayad ng mahigit 4 na Milyong Piso sa unang anim na buwan ng taon
Habang kasama rin sa kaso ang kumpaniyang Jin Hung Bi-Jou Art Incorporated dahil sa mahigit siyam na Milyong Pisong hinid nito nabayarang buwis sa rentas internas
Giit ng BIR, matagal na nilang inabisuhan ang mga naturang kumpaniya at negosyante para ayusin ang kanilang bayarin sa buwis ngunit binalewala lamang nila ito