Posibleng magkaroon ng taas presyo ng bigas sa Oktubre.
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na inaasahan na nasa tatlo hanggang apat na piso ang taas presyo ng bigas sa susunod na buwan.
Isa sa mga dahilan ng SINAG ang hindi naipamahaging cash aid ng Department of Agriculture (DA) sa panahon ng pagtatanim ng palay.
Matatandaang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban na ang 5,000 piso na cash aid para sa mga magsasaka ay hindi naibigay dahil sa kakulangan ng mga requirements nito.
Samantala, inatasan naman ni Panganiban ang mga regional offices na pabilisin ang koordinasyon sa Land Bank of the Philippines at mga magsasaka para sa pamamahagi ng ayuda.