Apat na bilanggo ang patay sa tangkang jailbreak ng labing-isang grupo ng preso sa Lianga district jail sa Surigao del Sur.
Ayon kay Jail Supt. Bernie Ruiz ng BJMP–Caraga, nagtangkang tumakas ang labing-isang grupo ng mga bilanggo habang dinadala ang rasyon ng almusal sa kanilang mga kulungan.
Inaabot ng jail guard ang almusal sa mga preso na pawang miyembro ng new people’s army nang bigla na lamang umanong mang-agaw ang mga ito ng armas.
Agad namang nakakilos ang iba pang jail guard at naputukan ang limang bilanggo na ikinasawi ng apat na hindi pa pina-pangalanang preso. — Sa panulat ni Drew Nacino